$ $ $ $ $

Pamumuhunan sa Ginto

Nung mga panahon na–ospital ang aking ina, ako ay nangailangan ng cash ng ora–orada! Meron akong pera pero ito ay nasa Stock Market. Pu...

Wednesday, June 27, 2018

Bakit may lumalangoy sa utang dahil sa Credit Card?


Habang nasa Shopping Mall, nakakita ka ng sale ng cellphone. Nakalagay sa etiketa na ito ay 0% interest gamit ang iyong credit card. Ang halaga ng cellphone ay Php 15,000 at dahil ang iyong credit limit ay Php 16,000, binili mo ito.

Dahil Php 16,000 ang sueldo mo cada buwan, naisip mo na mahuhulugan mo ito ng Php 1,500 cada sueldo na para sa’yo ay maliit na bagay lamang!

Pero totoo ba na “zero percent interest” ito? Ang derecho sagot ay Hindi!

Likas na sa tao na tamad mag–isip. Ito ang ginagamit ng mga advertiser upang laruin ang isipan ng tao kaya’t kung hindi matalas ay iyong pangunawa, madali kang malilinlang ng isang katutak na advertisement na nagkalat sa isang democracia bansa!

Ganito ang nasa isip na kalkulasyon ng madla sa paggamit ng credit card,

Php 15,000 – Php 1,500 = Php 13,500

1,500 = bawas sa capital

13,500 = natitirang bayarin para sa susunod na sueldo

Ang actual na kalkulasyon ng banco ay,

Php 15,000 x .025 = Php 375

Php 1,500 – Php 375 = Php 1,125

Php 1,125 = bawas sa principal

Php 375 = panguna interest ng banco

            2.5% = porciento ng interest cada 14 na araw o 5% cada buwan

Ganito naman ang kalalabasan ng suma total ng iyong ibinayad gamit ang iyong credit card,


Araw ng hulog
Natitirang halaga mula sa Principal

Bayad cada sueldo

Bawas sa Principal
Bayad na napupunta sa Interest





01 July (1)
15,000
1500
1125
375
14 July (2)
13,875
1500
1153.125
346.875
28 July (3)
12,721.875
1500
1,181.955
318.045
04 Aug (4)
11,539.920
1500
1,211.50
288.50
18 Aug (5)
10,328.42
1500
1,241.80
258.210
01 Sept (6)
9,086.62
1500
1,272.85
227.165
15 Sept (7)
7,813.77
1500
1,304.65
195.35
29 Sept (8)
6,509.12
1500
1,337.25
162.75
13 Oct (9)
5,171.87
1500
1,370.70
129.30
27 Oct (10)
3,801.17
1500
1,405.00
95.00
10 Nov (11)
2,396.17
1500
1,440.00
60.00
24 Nov (12)
956.17
Huling bayad
956.17
23.90
Total


15,000
2,480.095






Base sa talaan sa itaas, aabutin ka ng dose hulog bago mo matapos ang binili mong cellphone gamit ang iyong credit card. Hindi rin ito zero percent interest! At ito ay kung hindi ka rin papalya sa paghuhulog cada sueldo!

2,480 ÷ 15,000 = 0.0165 x 100 = 16.5% (interest)

Liliit lamang ang interest nito kung lalakihan mo rin ang iyong bayad cada sueldo para sa nasabing bagay.

Maliit na bagay ba ang magbayad ng Php 2,480 na interest? Para sa akin ay Hindi!

Saan ko ba puede magamit ang Php 2,480?

·  Php 248 x 10 araw = Php 2,480 (puede na pamasahe at pangkain sa 10 araw)

·  Php 2,480 ÷ 2 months = Php 1,240 (puede na bayad sa kuryente ng 2 buwan)

·  Php 2,480 ÷ 4 months = Php 620 (puede na bayad sa tubig sa 4 buwan)

·  Php 2,480 ÷ Php 60 = 40 gallon ng mineral water o isa’t kalahati gallon cada araw

·  Php 2,480 ÷ Php 180 = 14 kilos ng manok (1 kilo cada araw para sa 2 linggo)

Nakakalungkot isipin na maraming Filipino na madalas kalahati pa lang ang ibinayad sa credit card ay ikakaskas na ito muli kaya’t nababaon sila sa utang.

Hindi masama ang umutang, ika nga ni Robert Kiyosaki, “10% porciento ng mga nangungutang sa mundo ay ginagamit ang utang upang yumaman samantalang 90% porciento ay umuutang para lalong humirap.”

Pero paano mo ba magagamit ang utang upang yumaman?

Halimbawa, may talento ka sa pagluluto. Ginamit mo ang iyong credit card para bumili ng mga recado para magluto ng kare–kare. Ibinenta mo ngayon ang iyong pagkain sa oficina at binayaran ka ng cash. Sa pagbabayad sa’yo ng cash, makakabili ka na ulit ng mga recado para sa mga susunod mong paninda at bago pa dumating ang ika–14 na araw na kung saan mapapatawan ka na ng interest sa iyong credit card, nabayaran mo na ito. Paulit–ulit mo itong ginawa hanggang sa nakapagpatayo ka na ng sariling mong restaurant. Ikaw ay yayaman!

Karamihan sa mga Filipino ay ginagamit ang utang para bumili ng mga bagay na hindi naman nila makakain pag dating ng kagipitan. Marami rin na hindi mapakali kung paano gagastusin ang pera sa tuwing araw ng sueldo. Isa sa susi upang yumaman ay ang pagiging “controlado” sa lahat ng situacion. Ang isang sapatos ay walang buhay pero kaya ka nitong controlin sa pagbili nito! Ang pagkain ay walang buhay pero kaya ka nitong kontrolin para lumamon!

Marami ring mga Filipino ang tinatakasan ang kanilang mga utang. Ang desventaja ng ganitong pag–uugali ay hindi mo alam kung kailan ka muli mangangailangan at kung sino pa ang magtitiwala sa’yo. Sabi nga ni Warren Buffet, “Ang katapatan ay isang mahal na regalo, Huwag asahan ito mula sa mumurahing tao.”

Ngayon, kaya mo bang gamitin ang utang upang yumaman?


No comments :

Post a Comment