$ $ $ $ $

Pamumuhunan sa Ginto

Nung mga panahon na–ospital ang aking ina, ako ay nangailangan ng cash ng ora–orada! Meron akong pera pero ito ay nasa Stock Market. Pu...

Sunday, June 24, 2018

Paano ka tumutulong sa pagtaas ng presyo ng bilihin sa pamamagitan ng Savings Account & Time Deposit?


Nakasaad sa Section 116 ng REPUBLIC ACT No. 1459,


Ang isang korporasyong banco ay isang korporasyon na tumatanggap ng pera ng iba mula sa pangkalahatang deposito at ginagamit ito, kasama ang sarili nitong kapital, upang bumuo ng isang pinagsamang pondo na ginagawang isang negocio ng paggamit nang direkta o hindi direkta sa isa o higit pa sa mga sumusunod na gamit:


Ang paggawa ng mga pautang;


Ang pagpapanatili ng isang sirkulasyon ng paunawa; o


Ang pagbili, pagbebenta, o koleksyon ng mga bill ng palitan o iba pang mga uri ng negotiable na papel


Nakasaad naman sa Section 1 ng REPUBLIC ACT No. 1405,


Ipinapahayag dito bilang patakaran ng gobierno na hikayatin ang madla na iimbak ang kanilang pera sa mga banco at pigilan ang pribadong pag–iimbak ng sa gayon ay magamit ng banco ang pera sa awtorisadong pagpapa–utang upang makatulong sa pagpapaunlad ng economia ng bansa.

LEGAL ang magkaroon ng Savings Account at LEGAL ang mag–Time Deposit!



Makikita sa ilustracion ito kung saan napupunta ang pera ng mga “depositor” sa pamamagitan ng Savings Account o Time Deposit. Ang Savings Account ay maaaring bawiin anumang oras mula sa Banco samantalang ang Time Deposit ay kailangan hintayin ang “maturity date” bago ito mai–withdraw. Kalkulado na ng isang banco kung magkano ang mga “withdrawables” nila araw–araw at ang mga sobrang pera nila ay pinupuhunan naman sa iba pang puhunan kaya’t lumalaki ang kanilang capital.



Makikita naman sa ilustracion ito kung saan napupunta ang pera ng mga “investor” sa pamamagitan ng Treasury Bond.


Makikita naman sa ilustracion ito mula sa calculator ng Bureau of Treasury kung magkano ang diferencia ng kikitain ng iyong pera kung ito ay pinuhunan sa Treasury Bond laban sa Time Deposit,


http://www.treasury.gov.ph/?page_id=9878




 Time Deposit

  Php 200,000 x 0.02650 = Php 5,300
  Php 5,300 x 0.20 = Php 1,060 (tax)
  Php 5,300 – Php 1,060 = Php 4,240 (interest cada taon)
  Php 4,240 x 3 years = Php 12,720


 Treasury Bond

  Php 200,000 x 0.04875 = Php 9,750
  Php 9,750 x 0.20 = Php 1,950 (tax)
  Php 9,750 – Php 1,950 = Php 7,800 (interest cada taon)
  Php 7,800 x 3 years = Php 23,400


 Diferencia ng interes,

  Php 23,400 – Php 12,720 = Php 10,680

Makikita na di hamak na mas mataas ang kikitain ng iyong pera sa pamamagitan ng Treasury Bond. At dahil ito ay “Government Securities”, seguradong mababayaran ka ng gobierno! Ang gobierno ang tanging may kapangyarihan na makapag–imprenta ng salapi kaya’t walang dahilan upang ikaw ay di mabayaran. Ang tanging tanong lang ay kung may halaga pa ba ang ibinayad sa iyong salapi na dahil naman sa tinatawag na inflation o ang pagtaas ng presyo ng bilihin o pagbaba ng halaga ng isang salapi.


Kung ang isang Banco ay mayroon Php 200,000 mula sa mga nag–Time Deposit at ito ay pinuhunan naman nila sa Treasury Bond at ito ay kumita ng Php 23,400 matapos ang tatlong taon, legal na ibayad lang nila sa nag–Time Deposit ang halagang Php 12,720 dahil ito lamang ang napagkasunduan nila. Ang diferencia Php 10,680 ay mananatili bilang capital at pag–aari ng Banco na puede naman nilang ipautang muli sa publico o ipuhunan muli sa mga Government Securities kaya’t palaki ng palaki ang nagiging capital nito at ito ay LEGAL!

Nagkaiba ang Treasury Bond at Time Deposit base sa kung saan nananatili ang pera. Ang iyong pera ay nananatili sa Pribado o Publico Banco sa pamamagitan ng Time Deposit. Samantala, ang iyong pera ay napupunta derecho sa gobierno sa pamamagitan ng Treasury Bond.


Kung gayon, ano ba ang maganda, Treasury Bond or Time Deposit? Ito ay depende kung kanino mo gusto ipagamit ang iyong pera habang wala ka pang paggagamitan nito.

Puede mo rin hatiin ang iyong pera sa Treasury Bond at Time Deposit o ang tinatawag na “diversification.”

Maganda ang Time Deposit para sa iyong comunidad at maganda naman ang Treasury Bond para sa ating bansa.

Nung naguumpisa pa lang ang Mang Inasal sa Bacolod, nangailangan si Edgar Sia Injap ng capital para sa kanyang negocio. Lumapit siya sa Banco de Oro (BDO) upang humiram ng capital at siya’y  hindi nabigo. Kung walang mga nag–Time Deposit sa BDO, anong ipapautang nito sa mga negosyanteng katulad ni Edgar Sia Injap?

Napalago ni Edgar ang kanyang negocio at nabayaran rin niya ang kanyang utang sa BDO. At dahil sa tagumpay ng Mang Inasal, nabahala ang may–ari ng Jollibee sa competicion. At dahil dito, naisipang bilhin ni Tony Caktiong ng Jollibee ang lahat ng sangay ng Mang Inasal sa halagang 3 bilyong piso. Sa ngayon, isa na sa pinakamayan sa Filipinas si Edgar Sia Injap at ito ay dahil sa mga Time Deposit na ipinautang naman sa kanya ng Banco.



No comments :

Post a Comment