Kung
ikaw ay isang OFW, malaki ang tiyansa na kumikita ka ng doble o triple kesa sa
kikitain mo kung ikaw ay nasa Pilipinas. At dahil dito, marapat lamang na mas
dapat kang mamuhunan para sa iyong pagre–retiro.
Kailangan
mong malaman na hindi ka imortal. Darating sa buhay mo ang panahon na kailangan
mong mag–retiro. Ang panahon na yon ay marahil sa ikaw ay magkakasakit o dahil
ikaw ay senior citizen na o dahil ikaw ay natanggal sa trabajo at hirap na
makakuha pang muli ng trabajo. Kaya kailangan na ikaw ay handa. Pero magkano ba
ang kailangan mong pera para ikaw ay makapag–retiro ng maginhawa?
Dalawang
bagay ang kailangan mong malaman sa pagre–retiro:
(1)
Ilang
taon ka na ba?
(2)
Magkanong
halaga ng puhunan ang kailangan mo?
Isa
sa pinaka seguradong uri ng puhunan ay ang Fixed Rate Treasury Bond (FXTB). Ang
Treasury Bond ay kumikita ng 4.625% cada taon subalit ito ay may kaltas na 20%
tax ng gobierno.
Bakit
ba segurado ang Treasury Bond? Dahil ito ay pananagutan ng Gobierno ng
Pilipinas. Lahat ng gobierno sa buong mundo ay naglalabas ng Treasury Bond
upang pondohan ang mga proyekto sa kanilang bansa. Ang gobierno ang tanging may
kapangyarihan para makapag–print ng salapi para pamabayad kanino man. At dahil
dito, mil porciento segurado na mababayaran ka ng gobierno. Ang tanong lang ay,
may halaga pa ba yung perang ibinayad sa’yo o wala na dahil sa tinatawag na inflation?
Paano
mo kakalkulahin ang tubo na kikitain mo sa Treasury Bond upang malaman kung ito
ay sapat na para ikaw ay makapag–retiro?
Kung
ikaw ay namuhunan ng Php 15,000,000 at ito ay tumutubo ng 4.625% cada taon,
Php 15,000,000 x 0.04625 = Php
693,750
Php 693,750 x 0.20 = Php 138,750
Php 693,750 – Php 138,750 = Php
555,000
Paano
mo ngayon kakalkulahin ang pang–gastos mo cada buwan sa tubo na natanggap mo sa
Treasury Bond?
Php
555,000 ÷ 12 buwan = Php 46,250 (cada buwan)
Php
46,250 ÷ 30 araw = Php 1,541 (cada araw)
Ang
tanong,
Sapat
na ba sa’yo ang tubo na Php 46,250 cada buwan sa susunod na veinte anos ng
buhay mo o kulang pa?
Sapat
na ba ito para ikaw ay may pambayad ng kuryente, tubig at upa sa bahay at
pambili ng pang araw–araw na pangangailangan? May sobra ba para ikaw ay
makapag–viaje sa lugar na gusto mo?
Kung
ikaw ay treinta anos at kumikita ka ng Php 46,250 cada buwan, hihinto ka na ba
sa pagta–trabajo at magliliwaliw na lamang?
Kung
ikaw ay Senior Citizen at kumikita ka ng Php 46,250 cada buwan at meron ka pang
pension sa SSS at hindi na nangungupahan ng bahay, sapat na ba ito para masabi
mong maginhawa ang iyong pagre–retiro?
Pero ang
pinakamahalagang tanong, meron ka bang isang cinco duling na puede ipamuhunan
para magka–meron ka ng FXTB?
Ang
minimum na puhunan para ikaw ay makapamuhunan ng FXTB ay Php 200,000. Ito ay
ino–offer sa lahat ng Banco na otorisado ng Banco Central ng Filipinas. Cada
buwan inilalabas ng Bureau of Treasury ang schedule ng labas ng FXTB. Ang
gagawin mo lamang ay magtanong sa banco na kung saan ikaw ay may deposito dahil
hindi ito inilalathala sa diario o ina–announce sa publico.
Ang Php 15,000,000 na pinuhunan sa FXTB na may maturity date na 10 taon pataas ay hindi rin nangangahulugan na eto pa rin ang halagang matatanggap mo sa pagtatapos ng iyong puhunan dahil sa inflation na kung saan na ang halaga ng piso ay bumababa.
Sabi
ni Bill Gates,
Hindi kasalanan na ipanganak na dukha pero kasalan ang mamatay kang dukha!
May
katotohanan ba ang adhikaing ito?
No comments :
Post a Comment