Nung
mga panahon na–ospital ang aking ina, ako ay nangailangan ng cash ng ora–orada!
Meron akong pera pero ito ay nasa Stock Market. Puede akong magbenta ng Stocks
pero ito ay mas mababa kesa nung ito ay binili ko. Meron din akong Treasury
Bonds pero ito ay nakakandado sa loob ng 20 years at ang huling interes na
aking natanggap ay pinamuhunan ko ulit sa pagbili ng Stocks sa Stock Market.
Ano
ang aking naging salvacion? Ginto!!!
Meron
akong mga gold biscuits (10 gramo ng ginto na 24 carats). Nabili ko ito nung
huli kong pag–viaje sa Dubai sampung
taon na ang nakaraan. Nabili ko ito sa halagang 70 dirhams per gram. Nung 2012,
pumalo ang presyo ng ginto sa Black Market sa Pilipinas sa halagang Php 2,000
per gram. At dahil halos doble na ang presyo nito kumpara noong taon na nabili
ko ito, nagbenta ako ng sampung gramo para matustusan ang pangangailangan ng
aking ina sa pagpapagamot. Meron pa akong mga natitirang ilang pirasong gold
biscuit na aking itinatabi sakaling tumaas pa ulit ang presyo ng ginto.
Pero
paano mo ba malalaman na hindi ka niloloko sa presyohan sa gintong iyong
binebenta? Ito ang mga dapat mong tandaan:
(1)
Pumunta
sa website ng Banco Central: www.bsp.gov.ph. Ito ang screenshot na
iyong makikita:
(2)
Kailangan
mo ang mga sumusunod na informacion: presyo ng ginto sa troy ounce, palitan ng
piso laban sa dolyar.
(3)
Halimbawa
ng pagkakalkula:
1
Troy ounce (24k) = 31.1 grams
1
Troy ounce = $1293.00
$1
= 52.594
$1293 x 52.594 = Php 68,004
Php 68,004 ÷ 31.1 = Php
2,187 per gram
Ang
tanong,
Maibebenta
mo ba ang iyong 24k ginto sa presyong katumbas na kalkulasyon sa itaas?
Sagot:
Hindi.
Bibilhin yan ng buyer ng 20% na mas mababa (mga Php 1750 per gram) mula sa
kalkulasyon sa itaas. Ito ay dahil ang presyo ng ginto ay tumataas o bumababa
araw–araw at kailangan mayroong panangga ang buyer sa pag–iba–iba ng presyo ng
ginto. Bukod pa sa kailangan ding tumubo ng buyer para naman sa kanyang
negocio.
Mga
tips sa pagbebenta ng ginto:
(1)
Mas
mainam pang magbenta ng ginto sa Black Market dahil eksperto na sila sa
pagkilatis ng ginto. Isang tingin lang at pagtimbang alam na nila kung ito ay
tunay o peke. Ang mga tinatawag na Black Market ay ang may mga karatulang
“Bumibili ng sirang alahas o ginto.”Mainam na magbenta sa may mga puesto dahil
alam mong hindi ka tatakbuhan!
(2)
May
mga pawnshop na kakaskasin ang iyong gold biscuit at meron ding iba na
bubutasan nila sa gitna ang iyong gold biscuit. Kapag ito ay kanilang ginawa,
mawawala na ang pagkakaeksaktong sampung gramo ng gold biscuit. Huwag na huwag
niyong pabubutasan o pakikiskis ang inyong gold biscuit!
(3)
Kung
plano mo lang isanla ang iyong gold biscuit, seguraduhin mong ang gold biscuit
na dati mo nang naisanla ang isasanla mo ulit. Ang mga virgin na gold biscuit
mo ay ilalaan mo sa pagbebenta sa tamang panahon.
(4)
May
mga pawnshop na magiging interesado sa pagbili ng iyong gold biscuit na
tataasan nila ang presyo ng pagkilatis para mahirapan kang matubos ito muli.
Kung ang “appraise value” ay halos doble kesa noong ito ay binili mo, puede mo
nang ipa –remata sa pawnshop ang iyong ginto kesa naman sa magtubo ka pa buwan–
buwan. Kung may plano ka pang tubusin ang iyong gold biscuit, magsanla ka lang
sa halagang kaya mong tubusin ito muli.
(5)
Ang
Banco Central ay bumibil rin ng ginto mula sa mga tinatawag na “panner” or mula
sa mga ordinaryong mamamayan pero isang katutak na papel at proseso ang iyong
dadaanan at hihingan ka pa ng I.D. at mayroon pang “tax” kapag binili nila ito
sa’yo. Kaya mabuti pang magbenta ka na lang sa Black Market.
No comments :
Post a Comment